Bagamat hindi ko maipapakita sa inyo ang mga naging accessories noong unang panahon, narito ang ilang accessories na aking nakita sa mall. Tiyak naman na gawang Pinoy ang mga ito.
Kultura Filipino
Mabuti na lang at pumayag ang mga sales lady na mag litrato ako doon.
Mula ang mga litratong ito sa Kultura Filipino. Kaya't kung ninanais niyo ang ganitong uri ng palamuti sa tenga at polseras, maaari kayong bumisita sa Kultura Filipino. Malay niyo at may magustuhan pa kayong ibang kagamitan doon. Sabagay ay, iilan lamang ito sa iba pang mga magagandang accessories doon.
Papemelroti
Bagamat kilala ang Papemelroti sa paggawa at pagbenta ng mga recycled materials, sila rin ay gumagawa ng polseras, kwintas, palamuti sa tenga, at ibang accesories.
Maaari din kayong bumisita sa Papemelroti kung kayo'y naiintriga sa mga recycled materials na binebenta nila at mga accessories na gawang Pinoy. Tiyak na may iba't iba pang bagay ang makikita niyo na makakapukaw sa inyong mga mata.
Bagamat dalawa lang ito sa mga stores sa Pilipinas na nabangit ko, tiyak ako na may iba pang mga stores na nagbebenta ng 100% Pinoy accessories.
Nawa't kahit na ako'y isang lalaki, sana ay kayo'y nagandahan sa mga napili kong mga accessories para sa blog na ito.
By: Keanu Berches
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento