“Filipinas are among the most beautiful women in the world.
There’s no argument about that.” –Krista
Garcia
Hindi
maikakaila ang pagiging kilala ng gandang Pilipina sa buong mundo. Magmula pa
noong 1950’s, 60’s, 70’s, 80’s at hanggang ngayon, hindi kumukupas ang paglitaw
at pagningning ng dugong Pinay, na pinatunayan ng mga naging kalahok ng Miss
Universe sa mga nagdaang taon.
May
natural na ganda ang mga Pilipina; kilala sa kanilang kayumangging balat,
kulay-kape o kaya’y itim na mga mata, habilog na hugis ng mukha, katamtamang
tangkad, at iba pang maririkit na pisikal na katangian.
Figure 1
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngunit
sa paglipas ng panahon, ang kagandahang ito ay mas lalo pang pinalitaw ng isang
sining. Ang pag-aayos ng mukha at buhok ay naging paraan ng mga Pilipina upang
mas maipakita pa ang natatanging ganda.
Nagsimula
mauso noong 1930’s ang paglalagay ng kolorete sa mukha ng kababaihan. Naging
sikat ang pagpapaputi ng pisngi at mapupulang mga labi, maging ang paggamit ng
aksesorya gaya ng hikaw at kwintas, at mas detalyadong pag-aayos ng buhok.
Figure 2
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kasabay
ng pagdaan ng bawat dekada ay ang pag-iiba-iba ng mga uso sa bawat panahon.
Noong 1940’s, kung kailan laganap pa rin ang giyera at ang pag-aagawan sa
puwesto ng pamumuno sa bansang Pilipinas, kapansin-pansin ang pagiging mas
matapang na ayos ng mga Pilipina. Hindi pa rin nawawala ang kolorete sa mukha,
ngunit ang buhok ay tila ba naging mas malaya.
Figure 3
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Noong
50’s, naging sikat naman ang mas malinis na ayos kung saan bihira ang
nakikitaan ng nakalaylay o nakabagsak na buhok.
Figure 4
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating
1960s, naging mas detalyado at plakado ang paglalagay ng meykup sa mukha ng
kababaihan. Mas naging engrande ang dating ng buhok, maging ang mga alahas na
isinusuot.
Figure 5
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa
1970’s naman, nauso ang mas makapal na kolorete sa mukha at mas makukulay na
mga kasuotan at malalaking palamuti sa ulo, maging mga aksesorya. Sa panahong
ito, mas makulay, mas maganda.
Figure 6
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Noong
80’s naman, tila bumalik sa pagiging pormal ang umusong ayos ng mga Pilipina.
Masasabing naging kilala rin sa panahong ito ang pagkakaroon ng tinatawag na bangs. Bukod pa rito, kung ikukumpara
noong 1970’s, hindi gaanong makapal ang inilalagay na meykup
Figure 7
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating ng
1990’s bumida ang pagpapatuwid ng buhok at ang paggamit ng mga alahas na gawa
na sa makukulay na klase ng mga bato. Sa kabilang banda, bitbit pa rin nito ang
mas simple at mas kaunting kolorete sa mukha.
Figure 8
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating
ng panahong 2000s, naging mas malawak na ang paraan ng pag-aayos ng buhok at
mukha dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Nauso na ang madaliang
pagkukulot o pagtutuwid ng buhok. Kapansin-pansin din ang paghusay ng sining ng
paglalagay ng meykup sa mukha.
Figure 9
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kung
naging maunlad na noong 2000s, lalo pa noong 2010s. Naging mas malikhain ang
mga Pilipino sa pagpili ng mga nagiging uso. Dumami na ang nagpapaikli ng
buhok, na kung ikukumpara sa dati’y mas pasok sa panlasa ng mga sinaunang
Pilipina ang mas mahabang buhok. Ang tinatawag na eyeshadow ay naging mas marikit kung ikukumpara sa noon, mas
napaigting pa ang husay ng mga Pilipino sa paghahalo ng mga kulay ng kolorete
na inilalagay sa mukha ng mga Pilipina.
Figure 10
Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang
ngayo’y patuloy pa rin ang pag-iiba-iba ang umuusong mga ayos sa Pilipinas.
Dumarami ang nagpapakulay ng buhok, ang iba’y nagpapatuwid, ang iba nama’y
nagpapakulot. Mayroong ang gusto’y maikli, mayroon ding ang gusto’y mahaba. Sa
pag-aayos ng mukha, lalo pang natuto ang mga Pilipino na ibagay sa iba’t ibang
okasyon ang iba’t ibang paglalagay ng make
up. Matalinong ibinabase sa kung gaano ka pormal o impormal ang isang
okasyon. Dahil din sa make up ay
malaki ang ipinagbabago ng anyo ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi pa rin
maitatanggi ang natural na ganda ng mga Pilipina, na ang ngiti pa lang ay
kaakit-akit na.
Sa
panahon ngayon, nagiging mas malaya na ang bawat isa. Natututo nang magpauso ng
sariling estilo ang ilan, na siya namang tinutularan ng iba. Sa panahon ngayon,
kung ano ang gusto mong, ayos, “Pinay, ikaw na ang bahala!”
By: Angel Ignaco
By: Angel Ignaco