Naka-feature na Post

WELCOME!

Bagama't ang nakaraan na ay nakaraan, hindi na pwedeng balikan, ngunit pwedeng tignan muli.  "Don't look back You...

Linggo, Nobyembre 27, 2016

FASHION: Makeup Trend Then and Now

“Filipinas are among the most beautiful women in the world. There’s no argument about that.” –Krista Garcia

Hindi maikakaila ang pagiging kilala ng gandang Pilipina sa buong mundo. Magmula pa noong 1950’s, 60’s, 70’s, 80’s at hanggang ngayon, hindi kumukupas ang paglitaw at pagningning ng dugong Pinay, na pinatunayan ng mga naging kalahok ng Miss Universe sa mga nagdaang taon.
May natural na ganda ang mga Pilipina; kilala sa kanilang kayumangging balat, kulay-kape o kaya’y itim na mga mata, habilog na hugis ng mukha, katamtamang tangkad, at iba pang maririkit na pisikal na katangian. 



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngunit sa paglipas ng panahon, ang kagandahang ito ay mas lalo pang pinalitaw ng isang sining. Ang pag-aayos ng mukha at buhok ay naging paraan ng mga Pilipina upang mas maipakita pa ang natatanging ganda.
Nagsimula mauso noong 1930’s ang paglalagay ng kolorete sa mukha ng kababaihan. Naging sikat ang pagpapaputi ng pisngi at mapupulang mga labi, maging ang paggamit ng aksesorya gaya ng hikaw at kwintas, at mas detalyadong pag-aayos ng buhok.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kasabay ng pagdaan ng bawat dekada ay ang pag-iiba-iba ng mga uso sa bawat panahon. Noong 1940’s, kung kailan laganap pa rin ang giyera at ang pag-aagawan sa puwesto ng pamumuno sa bansang Pilipinas, kapansin-pansin ang pagiging mas matapang na ayos ng mga Pilipina. Hindi pa rin nawawala ang kolorete sa mukha, ngunit ang buhok ay tila ba naging mas malaya.



Figure 3 Source: http://cnnphilippines.com/lifestyle/2015/05/20/100-years-of-Filipina-beauty-video.html

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Noong 50’s, naging sikat naman ang mas malinis na ayos kung saan bihira ang nakikitaan ng nakalaylay o nakabagsak na buhok.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating 1960s, naging mas detalyado at plakado ang paglalagay ng meykup sa mukha ng kababaihan. Mas naging engrande ang dating ng buhok, maging ang mga alahas na isinusuot.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa 1970’s naman, nauso ang mas makapal na kolorete sa mukha at mas makukulay na mga kasuotan at malalaking palamuti sa ulo, maging mga aksesorya. Sa panahong ito, mas makulay, mas maganda.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Noong 80’s naman, tila bumalik sa pagiging pormal ang umusong ayos ng mga Pilipina. Masasabing naging kilala rin sa panahong ito ang pagkakaroon ng tinatawag na bangs. Bukod pa rito, kung ikukumpara noong 1970’s, hindi gaanong makapal ang inilalagay na meykup



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating ng 1990’s bumida ang pagpapatuwid ng buhok at ang paggamit ng mga alahas na gawa na sa makukulay na klase ng mga bato. Sa kabilang banda, bitbit pa rin nito ang mas simple at mas kaunting kolorete sa mukha.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagdating ng panahong 2000s, naging mas malawak na ang paraan ng pag-aayos ng buhok at mukha dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Nauso na ang madaliang pagkukulot o pagtutuwid ng buhok. Kapansin-pansin din ang paghusay ng sining ng paglalagay ng meykup sa mukha.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kung naging maunlad na noong 2000s, lalo pa noong 2010s. Naging mas malikhain ang mga Pilipino sa pagpili ng mga nagiging uso. Dumami na ang nagpapaikli ng buhok, na kung ikukumpara sa dati’y mas pasok sa panlasa ng mga sinaunang Pilipina ang mas mahabang buhok. Ang tinatawag na eyeshadow ay naging mas marikit kung ikukumpara sa noon, mas napaigting pa ang husay ng mga Pilipino sa paghahalo ng mga kulay ng kolorete na inilalagay sa mukha ng mga Pilipina.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang ngayo’y patuloy pa rin ang pag-iiba-iba ang umuusong mga ayos sa Pilipinas. Dumarami ang nagpapakulay ng buhok, ang iba’y nagpapatuwid, ang iba nama’y nagpapakulot. Mayroong ang gusto’y maikli, mayroon ding ang gusto’y mahaba. Sa pag-aayos ng mukha, lalo pang natuto ang mga Pilipino na ibagay sa iba’t ibang okasyon ang iba’t ibang paglalagay ng make up. Matalinong ibinabase sa kung gaano ka pormal o impormal ang isang okasyon. Dahil din sa make up ay malaki ang ipinagbabago ng anyo ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi pa rin maitatanggi ang natural na ganda ng mga Pilipina, na ang ngiti pa lang ay kaakit-akit na.
Sa panahon ngayon, nagiging mas malaya na ang bawat isa. Natututo nang magpauso ng sariling estilo ang ilan, na siya namang tinutularan ng iba. Sa panahon ngayon, kung ano ang gusto mong, ayos, “Pinay, ikaw na ang bahala!”


By: Angel Ignaco

Fashion on Point

Ang daming umuusbong na clothing stores ngayon sa ating bansa. Bawat mall ay iba’t ibang stalls na ang pwede mong mapuntahan. Sa dinami dami nila ay talagang nakakawiling tumingin tingin at bumili. And mga damit sa mga stores na din ang nagmimistulang standard ng ating fashion ngayon. Dito sa Fashion on Point ay makikita mo ang mga usong stores dati at ngayon. Alam niyo ba na ang ilan sa mga stores na on point ngayon ay dati pa lang, uso na?


Noon


Ensembles
Ang Ensembles ni Anthony Ramirez ay umusbong noong 2008 noong sumama siya sa Philippine Fashion Week ng taon na yun. Gumagawa siya ng mga damit para sa socialites at celebrities. Ang kanyang clothing line ay naka-pokus sa mga pambabaeng damit na nagdedepina sa “curves” ng kababaihan. Hanggang ngayon ay makakakita ka padin ng stalls na Ensembles. Maaari ding makabili ng damit sa brand na ito online. Ang site nila ay http://www.ensembles.com.ph/ 



Kamiseta
Napaunlakan ng Sore of the Year noong 2000 at Top Female Apparel Brand of the Year noong 2002, ang Kamiseta ay isang brand sa Pilipinas na dati pa lamang ay paborito na ng mga babae. Mayroon silang driving formula kung tawagin na “It’s fun being a girl”. Sa bawat style ng mga damit nila at mayroon silang pinagbabatayan na Triple C o Cool, Casual, Classic. Kung ‘girly’ ka o gusto mo magsuot ng mga ‘girly’ na damit paminsan-minsan, malamang magugustuhan mo ito! Hanggang ngayon at laganap padin ang mga stores nila. Mayroon din silang site, www.kamiseta.com


Folded and Hung
Isa ito sa mga nangungunang pinupuntahan ng tao sa mga shopping malls. 1998 noong una itong naitayo sa Greenhills at Glorietta. Mayroon silang mga damit na pambabae at panglalaki na masasabing high fashion. Makakakita ka din ng mga accessories sa mga retail stores nila. Mapa-pantaas o pambaba at makakahanap ka dito. Hanggang ngayon at buhay padin ito, meron na din itong site, www.foldedandhung.com/.



Ngayon


Bench
Ang Bench na pagmamay-ari ni Ben Chan at isa sa mga sikat na clothing stores dati palang. 1987 ito nung naitayo. Hanggang ngayon, paborito padin ito ng masa. Ang mga teens ang madalas makikita sa mga stores na ito. Patok na patok ang mga style ng damit ng Bench, casual man o hindi. Kahit sa ibang bansa at kilala ito. 



Penshoppe
Bukod pa sa Bench, isa din and Penshoppe sa mga natatanging brand na dati palang kilala na’t dinadayo ng kabataan. Naging sikat ito sa Pilipinas at sa ibang bansa noong 1986 at hanggang ngayon at popular parin. Kaswal na elegante tignan ang mga damit nila kaya hindi mawala wala ito sa fashion industry. Ang mga endorsers din nito ay idol ng mga teens tulad nila Mandy Moore, Mario Maurer, One Direction, Cara Delevigne, Lucky Blue Smith, Kendall Jenner, Sean O’Pry at Sandara Park. Pwede mo itong hanapin sa  penshoppe.com.



Kultura
Ang pangatlong clothing store na on point ngayon at ang Kultura. Makakahanap ng stores na ito sa iba’t ibang lugar. Meron itong mga kasuotang hindi makikita kung saan lang tulad ng mga barong at baro’t saya. Ang mga binebenta nila’y hindi tipikal na makikita sa lahat ng stores. Sinasalamin ng store na ito ang yaman ng atig bansa. Ang mga wallet o kaya purse nila’y hindi lang sa tela gawa. Ang iba’y gawa sa mga material na sinisisid pa sa ilalim ng dagat atbp. Ang kakaiba nilang mga purse at isa lamang sa mga naggagandahan at sopistikado nilang produkto. 



By: Johannah Chua

Casual na Pananamit

Noon



Pamilyar ka pa ba sa mga pananamit ng mga 70s at 80s?
Uso ang ganitong pananamit noon, ang pag tack-in ng damit sa pantalon. Sa palagay ko, ang ganitong uri ng pananamit ay uso parin hanggang ngayon. Yun nga lang, mga crop top na ang ibinabagay sa pantalon. Ang tawag naman sa mga pantalon ay high waist

Casual na pananamit ito noon. Timeless ang ganitong pananamit, kahit sa kasalukuyan pwede padin maging uso o trend. Ang ibig-sabihin ng timeless ay hindi naluluma. 

Sa iyong palagay? Hindi nga ba naluluma ang ganitong istilo ng pananamit? 

Ngayon


Ganito naman ang pananamit na casual ngayon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito talaga ang istilo ng pananamit sa kasalukuyan. Kumbaga, sa ideya na nakuha ko sa internet, uso ang mga shorts ngayon sa kasalukuyan. Ibagay ang mga shorts sa mga damit na hindi din alanganin. Kung ikaw ay naka shorts huwag ka nang magsuot ng pang itaas na nagpapakita pa ng higit na balat kesa sa iyong binti. Hindi nababatay ang kagandahan sa kutis at kinis ng balat mo, kaya't hindi mo kailangan ipakita sa lahat ng tao. 

Maging sensitibo sa pananamit, alamin kung naaayon ba ang pananamit sa pupuntahan mong lugar o okasyon. Hindi porket casual ang common na pananamit ay naaayon na ito sa lahat ng okasyon. 





Hindi lahat ng tao biniyayaan ng pagiging Fashionista. Kaya't matuto kang dalhin kung ano ang isunusuot mo. Oo nga't sinasabi nila na binabagay ang lahat ng damit. Pero isipin mo na lang, kahit bagay sa isang tao ang suot niyang damit, kung hindi naman niya alam kung paano dalhin ito walang saysay kahit na bagay ito sakanya.

By: Jelieza Sombol

Sabado, Nobyembre 26, 2016

Accessories

Bagamat hindi ko maipapakita sa inyo ang mga naging accessories noong unang panahon, narito ang ilang accessories na aking nakita sa mall. Tiyak naman na gawang Pinoy ang mga ito. 

Kultura Filipino



Mabuti na lang at pumayag ang mga sales lady na mag litrato ako doon.
Mula ang mga litratong ito sa Kultura Filipino. Kaya't kung ninanais niyo ang ganitong uri ng palamuti sa tenga at polseras, maaari kayong bumisita sa Kultura Filipino. Malay niyo at may magustuhan pa kayong ibang kagamitan doon. Sabagay ay, iilan lamang ito sa iba pang mga magagandang accessories doon.

Papemelroti


Ito pa ang isang store na napuntahan ko sa mall na may accessories na tiyak na gawang Pinoy. Ang Papemelroti.

Bagamat kilala ang Papemelroti sa paggawa at pagbenta ng mga recycled materials, sila rin ay gumagawa ng polseras, kwintas, palamuti sa tenga, at ibang accesories.


Maaari din kayong bumisita sa Papemelroti kung kayo'y naiintriga sa mga recycled materials na binebenta nila at mga accessories na gawang Pinoy. Tiyak na may iba't iba pang bagay ang makikita niyo na makakapukaw sa inyong mga mata.

Bagamat dalawa lang ito sa mga stores sa Pilipinas na nabangit ko, tiyak ako na may iba pang mga stores na nagbebenta ng 100% Pinoy accessories.


Nawa't kahit na ako'y isang lalaki, sana ay kayo'y nagandahan sa mga napili kong mga accessories para sa blog na ito.

By: Keanu Berches

Formal na Pananamit

 Noon

Ganito ang kasuotan at pananamit na pang Formal noon. 

Bagamat nakapag susuot tayo ng katulad ng ganitong kasuotan sa tuwing may programa ng 'Buwan ng Wika', hindi na tayo maaaring makapag suot ng ganito sa kasalukuyan nang normal nang hindi pinag titinginan ng mga tao.



Sa katunayan nga ay, habang kami ay kumukuha ng litrato ay pinag titinginan kami ng mga tao. 
Ayos lang kahit pagtinginan nila kami, at kahit na
kahiyahiya, ang mahalaga nakakuha kami ng maayos
na litrato. 

Blusa at Saya. 



Ngayon



Ganito naman ang Formal na pananamit sa kasalukuyan. Sa panahon ngayon, kahit na magsuot ka ng ganito hindi ka pag titingin kasi normal na sa kanila ang uri ng ganitong pananamit.

Napagtanto ko na mas konserbatibo ang pananamit noon. Ngunit hindi ko iminumungkahi na hindi na konserbatibo ang mga nagsusuot ng pangkasalukuyan na pananamit. 


Malaki nga ang pinag bago ng mga kasuotan sa paglipas ng panahon. Kaya't huwag tayong makakalimot na muling sariwain ang mga kasuotan noon upang hindi natin makalimutan at lipasan na ng panahon. Naging isang malaking ambag ang mga kasuotan noon sa kasaysayan natin ngayon. Bilang isang mamamayang Filipino, mahalaga na alam natin ang mga naging kasuotan ng ating mga ninuno. 

By: Eliza Consuegra

POSHion


POSH + Fashion = POSHion


Posh na ang ibig sabihin ay elegant or luxurious.
At Fashion na ang ibig sabihin ay, a popular trend, especially in styles of dress and ornament or manners of behavior. 

Ang blog post na ito ay pang dagdag lamang. Dahil sa aking palagay ay may kaugnayan ang salitang posh sa pamagat ng aming buong blog. Nawa'y naunawaan niyo din ang aking pun.

Okay, maari ka nang magpatuloy sa pagtingin ng iba pa pang blog post. Maraming salamat sa pag-basa!

by: Jelieza Sombol

WELCOME!



Bagama't ang nakaraan na ay nakaraan, hindi na pwedeng balikan, ngunit pwedeng tignan muli. 

"Don't look back
You're not going
that way."
Subukan man nating bumalik ay hindi na tayo makababalik, sapagkat hindi doon ang paroroonan natin. 
Subalit maari tayong magbalik tanaw, hindi ba? Halina't sariwain natin ang mga naging kasuotan ng nakaraan. Tignan din naten ang pagbabago ng pananamit sa kasalukuyan.